
Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na makikipag-ugnayan sila sa dayuhang employer ng Overseas Filipino Workers o (OFWs) na namatayan ng anak sa aksidente kahapon sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA 1 departure area.
Ayon sa DMW, tutulungan nilang magpaliwanag sa foreign employer ang OFW hinggil sa pagkaka-delay ng pagbabalik nito sa trabaho.
Nanawagan din ng panalangin ang DMW para sa mabilis na paggaling ng maybahay ng OFW na nadamay rin sa aksidente.
Nagtutulungan na ang Department of Transportation (DOTr) at New NAIA Infra Corporation (NNIC) para mabigyan ng ayuda ang pamilya ng mga biktima.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang DMW sa pamilya ng biktima.
Facebook Comments









