P200-M ransom na ibinayad ng pamilya ng negosyanteng si Anson Que, dapat mabawi nang buo

Iginiit ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa Philippine National Police (PNP) na gawin ang lahat ng paraan upang mabawi ng buo ang ₱200 million na ransom na ibinayad ng pamilya ng dinukot at pinatay na negosyanteng si Anson Que.

Panawagan ni Pimentel sa Pambansang Kapulisan, magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa dinaanan ng pera at kanino ito napunta upang matukoy at mapanagot ang lahat ng sangkot sa krimen.

Katwiran ni Pimentel, maipakikita nito na ang pag-iral ng batas ang mananaig at hindi dapat mabigyan ng reward ang anumang uri ng kriminal na gawain.

Dagdag pa ni Pimentel, ang pag-recover sa ransom money ay hindi lang tungkol sa hustisya kundi pagpapatibay rin ng awtoridad ng estado.

Mensahe ito ni Pimentel makaraang ihayag ng PNP na kinuha na nito ang tulong ng Anti-Money Laundering Council at iba pang kaukulang ahensya para ma-trace ang P200-million na cryptocurrency payments ng pamilya Que kapalit ng ligtas na pagbalik sa kanila ng biktimang si Que na hindi naman natupad.

Facebook Comments