PNP, kakasuhan ang vlogger na nagsabing sinalakay ng pulisya ang bahay ni FPRRD sa Davao City

Nakatakdang kasuhan ngayong araw ng Philippine National Police (PNP) ang vlogger na nagsabing sinalakay ng pulisya ang tahanan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City kamakailan.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil tukoy na nila ang naturang vlogger pero hindi muna ito pinangalanan ni Marbil.

Una nang sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PMGen. Nicolas Torre III na walang inilunsad na operasyon ang Criminal Investigation and Detection Group sa Davao City.

Maalalang, kumalat sa social media ang umano’y pagsalakay ng mga awtoridad sa tahanan ng dating pangulo na agad namang pinabulaanan ng Pambansang pulisya.

Facebook Comments