Wala pang natatanggap si Defense Sec. Delfin Lorenzana na official report tungkol sa Chinese Coast Guard Vessel na namataan sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Lorenzana, hihintayin niya ang official report mula sa AFP Western Command bago gumawa ng hakbang para rito.
Matatandaang namataan ang Chinese Vessel noong August 1 at umaalis lamang ito kapag nauubusan ng supply.
Ang Ayungin Shoal ay 105 Nautical Miles mula sa Palawan at bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Facebook Comments