DND, ipapaubaya na sa Philippine Navy ang pagtataboy sa mga dayuhang barko na pumapasok sa karagatan ng bansa na walang paalam  

Ipapaubaya na ni Defense Sec. Delfin Lorenzana sa Philippine Navy para ipatupad ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na paalisin ang mga dayuhang barko na pumapasok sa karagatan ng Pilipinas na walang pasabi.

Ayon kay Lorenzana, ipinapakita lamang nito na may awtoridad ang bansa para ipatupad ang mga batas nito sa ating territorial waters.

Hahayaan na rin niya sa Navy na tukuyin ang “friendly” at “unfriendly” passage.


Nabatid na ipag-utos na ni Pangulong Duterte na kailangan nang humingi ng permiso ang mga Foreign Vessels sa ating gobyerno para payagang makadaan sa ating karagatan kasunod na rin ng paulit-ulit na pagdaan ng mga barko ng China sa Sibutu Strait.

Facebook Comments