Huling working day ng Nobyembre kada taon, idineklarang National Bike-to-Work Day ng Malacañang

Idineklara ng Malacañang bilang National Bike-to-Work Day ang huling working day ng Nobyembre kada taon.

Batay ito sa nilagdaang Proclamation 409 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nakasaad sa proklamasyon, na dapat ay magkaroon ng balanced at malusog na ecology ang mga Pilipino.


Tinitiyak rin ng proclamation, na magkaroon na balance na development at environmental protection at mapanatili ang kalidad ng hangin para maprotektahan ang kalusugan ng mga tao.

Kinakailangan rin na ma-develop sa pamamagitan ng Proclamation 409 ang active transport networks at maging prayoridad sa kalsada ang mga pedestrians at mga nagbibisekleta.

Hinikayat naman ng pangulo, ang lahat ng national government agencies at instrumentalities na suportahan ang pagpapatupad ng Proclamation 409.

Facebook Comments