Marawi City – Bumuo na ng administrative order para sa pagpapatupad ng rehabilitasyon at reconstruction sa Marawi City.
Maliban dito, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – sinisimulan na rin nila ang assessment para sa rehabilitasyon sa lalawigan.
Sabi pa ni Lorenzana, hindi pa rin nila inirerekomendang bumalik ang mga evacuee sa kani-kanilang bahay hangga’t hindi pa lubusang natatapos ang gulo doon.
Kasabay nito, sinabi rin ni Lorenzana na umaasa silang matatapos na ang operasyon sa Marawi City bago ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24 (Lunes).
Dagdag pa ni Lorenzana, sa ngayon ay nasa 336 na ang napapatay ng mga militar sa hanay ng Maute Terror Group.
Muli namang nilinaw ni Lorenzana na hindi pa nakakalabas ng Marawi City ang Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon.
Aniya, una nang nahuli ng mga militar sa Basilan ang ilang miyembro ng Maute Group na tumakas pero hindi naman kasama rito si Hapilon.