DND: Pagkasira ng bahura sa Iroquois Reef at Sabina Shoal, paglabag sa arbitral award

Bineberipika na ng Department of National Defense (DND) ang naiulat na pagkasira ng bahura sa Iroquois Reef at Sabina Shoal.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., matapos ang turnover sa bagong C-208B Aircraft ng Philippine Air Force sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga.

Sinabi ni Teodoro na sa ilalim ng arbitral award ang pagkasira ng likas na yaman ay paglabag sa International treaty lalo na kung ginawa ito para sa reklamasyon ng artificial island.


Ayon kay Teodoro, makikipag-ugnayan sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang makagawa ng kaukulang aksyon.

Matatandaang sa video ng Philippine Coast Guard, makikita na halos wala nang buhay sa ilalim ng dagat ng Iroquois Reef at Sabina Shoal.

Facebook Comments