Friday, September 11, 2026

DND, walang natanggap na request mula kay VP Sara Duterte tungkol sa pagpapalit ng security detail

Wala umanong natatanggap na request si Defense Secretary Gilberto Teodoro kay Vice President Sara Duterte para palitan o tanggalin ang mga sundalong nakatalaga sa kanya.

Kaugnay ito sa naging pahayag ni Duterte noong Sabado na hindi niya nararamdaman na ligtas siya at wala siyang tiwala sa korte at sa mga pulis

Matapos ang pagdinig sa Senado tungkol sa visiting forces agreement ng Pilipinas at France, sinabi ni Teodoro na karapatan ng Vice President na ipa-withdraw ang mga sundalo sa kanyang security detail kung wala na siyang tiwala.

Gayunman, sinabi ng Department of National Defense (DND) Secretary na mission-trained ang mga sundalo at wala silang personalan.

Nang matanong naman kung pwedeng mamili ang bise ng security personnel, sinabi ni Teodoro na hindi namimili si VP Duterte dahil malaki ang tiwala niya sa mga sundalo ng bansa.

Facebook Comments