Friday, September 11, 2026

Visiting forces agreement sa pagitan ng Pilipinas at France, pasado na sa komite ng Senado

Inaprubahan na ng Senate Committee on Foreign Relations ang Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) sa pagitan ng Pilipinas at ng France.

Sa ilalim ng SOVFA, itinatakda ang legal framework para sa sa pagdaraos ng dalawang bansa ng joint military exercises, disaster response at iba pang kooperasyon at aktibidad.

Itinatakda rin ang pananagutan kapag gumawa ng krimen ang mga sundalong kalahok sa kasunduan.

Sa committee hearing, idiniin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., na mahalaga ang France na isa sa mahuhusay na taga suplay ng armas at iba pang military equipment sa buong mundo.

Kinikilala rin ng France ang arbitral ruling sa West Philippine Sea pabor sa Pilipinas kontra sa pag-angkin ng China at kinikilala rin ng France ang freedom of navigation lalo na sa Indo-Pacific.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel, na chairman ng komite, na i-isopnsoran na niya ang kasunduan sa susunod na linggo para sa ratipikasyon ng mataas na kapulungan.

Facebook Comments