DOE at BOC, naglatag ng paraan para maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis at kuryente.

Gumawa na ng hakbang ang Department of Energy (DOE) at Bureau of Customs (BOC) na para mabawasan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at kuryente.

Ayon kay DOE Undersecretary Sharon Garin, nagkasundo ang DOE at BOC na gumamit ng value na pagbabasihan ng buwis o transactional value scheme sa pag-import ng coal upang mapababa ang buwis kumpara sa reference value scheme.

Ang coal ay ginagamit pang gatong ng mga nagbebenta ng kuryente.


Paliwanag pa ni Usec. Garin na base sa kalkulasyon ng Philippine Independent Power Producers Association sa pamamagitan ng transactional value sa pag-aangkat ng coal ay makakatipid ng 10 hanggang 30 centavos sa bawat kilowatt hour.

Facebook Comments