DOE at DOF, pinapaigting ang hakbang laban sa fuel smuggling

Inatasan ni Ways and Means Chairman Joey Salceda ang Department of Finance (DOF), Department of Energy (DOE) at Bureau of Customs (BOC) para paigtingin ang pagbabantay sa presyo ng langis at mga hakbang laban sa smuggling ng fuel products.

Sinabi ni Salceda na sa loob ng panahon na tumataas ang presyo ng produktong petrolyo, tumataas rin ang smuggling sa produkto.

Hinihingan ng kongresista ng update ang BOC at DOF patungkol sa fuel enforcement measures gayundin ng update kaugnay sa binuong Task Force Paihi na binuo para sawatain ang fuel smuggling.


Naniniwala ang mambabatas na kung masosolusyunan ang smuggling sa produktong petrolyo ay mababawi ng bansa ang foregone revenues o nawalang kita ng pamahalaan.

Hinihingi naman ng kongresista sa DOE ang components ng pagtaas sa oil prices upang matukoy kung anong mga hakbang ang pwedeng gamiting remedyo para maibaba ang presyo ng langis.

Facebook Comments