DOE, HINIKAYAT ANG PUBLIKO NA ISUMBONG ANG MGA GASOLINAHAN NA HINDI SUMUSUNOD SA IPINATUPAD NA OIL PRICE ROLLBACK

Hinikayat ng Department of Energy ang publiko na idulog at i-report sa tanggapan ang mga gasolinahan na hindi sumusunod sa ipinatupad na oil price rollback noong Martes, November 10, 2026.

Sa Mangaldan, ilang gasoline station ang isinumbong sa Department of Energy dahil umano sa hindi ganap na pagpapatupad ng ipinatupad na big-time oil price rollback.

Kasunod nito, nangako umano ang mga opisyal ng DOE na magsasagawa ng random inspection sa mga gasolinahan ngayong Huwebes, kabilang ang ilang istasyon sa nasabing bayan.

Binigyang-diin din umano ng ahensya na maaaring patawan ng kaukulang parusa, kabilang ang posibleng pagpapasara, ang mga gasolinahang mapatutunayang lumabag sa umiiral na regulasyon at hindi sumunod sa tamang presyo ng produktong petrolyo.

Samantala, inaasahan ng mga motorista ang patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa mga susunod na linggo, kasabay ng panawagang matiyak ang tamang pagpapatupad ng mga price adjustment sa lahat ng gasolinahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments