SIYAM NA BARANGAY SA SISON, NAKATANGGAP NG BAGONG PATIENT TRANSPORT VEHICLES

Nakatanggap ng bagong Patient Transport Vehicle o PTV ang siyam na barangay sa Sison, Pangasinan para sa mga residenteng nangangailangan ng serbisyong medikal.

Ito ay matapos ang pormal na pag-turnover ni Mayor Alma Lomibao, katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ng mga sasakyan.

Kabilang sa mga nakinabang ang mga barangay ng Alibeng, Artacho, Binmeckeg, Bulaoen East, Bulaoen West, Calunetan, Esperanza, Poblacion Norte at Sagunto.

Maaari umano itong magamit bilang pangunahing transportasyon ng mga residenteng nangangailangan ng medical assistance o iba pang serbisyong pangkalusugan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nagmula sa buwis na binabayaran ng mga residente ang pondong ginamit sa pagbili ng mga bagong sasakyan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments