IBA’T IBANG AHENSYA AT SEKTOR SA DAGUPAN CITY, NAGTIPON SA DAGYAW 2026 PARA ISULONG ANG PROTEKSYON NG KABATAAN
Nagtipon ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, lokal na tanggapan at civil society organizations sa DAGYAW 2026: SAFEnet Dagupan City na ginanap sa Barangay Lucao, Dagupan City.
Nagtipon ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, lokal na tanggapan at civil society organizations sa DAGYAW 2026: SAFEnet Dagupan City na ginanap sa Barangay Lucao, Dagupan City.
Tinalakay sa pagtitipon ang patuloy na pagsulong ng SAFEnet dahil sa mga isyu ng pang-aabuso, pananakit at bullying, gayundin ang pagsusulong ng pantay at agarang paghahatid ng hustisya sa mga kabataan sa lungsod.
Ayon kay Vice Mayor Dean Bryan Kua, mahalaga ang naturang aktibidad sa pagkamit ng mga layunin ng SAFEnet.
Kabilang sa mga dumalo si DILG Region I Director Jonathan Paul M. Leusen Jr. kasama ang iba pang stakeholder.
Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang aktibidad katuwang ang Sangguniang Panlungsod at mga tanggapan.
Samantala, bukod sa pulong, namahagi ng emergency GO Bags ang City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO sa mga kalahok. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








