DOE, naghahanda na para sa mga parating na bagyo ayon kay Sec. Cusi

Inihayag ni Secretary Alfonso Cusi ng Department of Energy (DOE) na naghahanda na ang ahensya laban sa mga posibleng pumasok na sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Aniya, ang malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa na dulot ng sama ng panahon ay maaaring may masamang epekto sa sektor ng enerhiya tulad ng pagkasira ng mga poste at kable ng kuryente, at iba pang pasilidad nito.

Kaya sa pamamagitan ng Task Force on Energy Resiliency (TFER) ng ahensya, imo-monitor nila ang weather update mula sa PAGASA at gagawa rin ng mga contingency plan upang agad na matugunan ang mga masamang epekto ng sama ng panahon sa energy systems at facilities.


Kahapon, naglabas ng abiso ang PAGASA na maaaring maging isang bagyo ngayong araw o bukas ang binabantayan nitong sama ng panahon na posibleng magdulot ng malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Facebook Comments