DOE – nagpatupad ng price freeze sa LPG at kerosene sa Porac, Pampanga

Nagpatupad ng price freeze sa presyo ng Liquified Petroleum Gas at kerosene ang department of energy sa Porac, Pampanga.

Kasunod ito ng pagdedeklara ng state of calamity sa Porac dahil sa pinsalang idinulot ng magnitude 6.1 na lindol sa Central Luzon kahapon.

Labinglimang (15) araw na ipatutupad ang price freeze epektibo ngayong araw.


Sa ilalim ng Republic Act of 7581 na inamyendahan ng R.A. 10623 o “Price Act” maaaring magpatupad ang price freeze sa mga basic commode.

Facebook Comments