Summer body ni Kim Chui sa kanyang Balesin Trip, trending sa Instagram

Hindi rin nagpahuli sa kaseksihan ang aktres na si Kim Chui ngayong summer!

Matapos ang foreign trip kasama ang boyfriend na si Xian Lim, pinagkakaguluhan naman ngayon ng kanyang social media followers ang summer body ni Kim.

Kuha ito sa kanilang family beach vacation sa Balesin kasabay ng kanyang 29th birthday.


Suot ng aktres ang ilang bright colored bikinis.

Say ni Kim, matagal-tagal din siyang hindi nakapag-beach kaya naman pakiramdam niya ay mas lalo siyang nabuhayan at tila na-renewed ang kanyang mga pangarap.

Facebook Comments