Ikinakasa na ni Senator Win Gatchalian ang pagdinig na gagawin ng pinamumunuan niyang Committee on Energy kaugnay sa problema sa suplay ng kuryente sa Luzon.
Ayon kay Gatchalian, pangunahing gigisahin sa pagdinig ang Department of Energy na sumablay sa pagbibigay ng katiyakan na magiging sapat ang suplay ng kuryente ngayong panahon ng tag-init.
Hindi katanggap tanggap para kay Gatchalian na umaabot na ngayon sa 40 siyudad at mga bayan sa pitong lalawigan ang apektado ng rotating brownouts base sa report ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Giit ni Gatchalian, kailangang may gumulong na ulo o maparusahan dahil sa pagbibigay ng DOE ng tila fake news o maling impormasyon ukol sa totoong kapasidad ng kuryente sa Luzon.
Facebook Comments