DOE, pinabulaanan na nagso-solicit sila para sa kanilang mga proyekto

Nilinaw ng Department of Energy (DOE) na wala silang solicitation na ginagawa para sa ilang proyekto ng DOE.

Ayon sa Energy Department, sumusunod sila sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees sa ilalim ng Republic Act 6713.

Partikular ang pagbabawal sa mga opisyal at empleyado na manghingi ng pera o mag-solicit.


Hinimok din ng DOE ang publiko na mag-report sa kanila sakaling may indibidwal ang manghingi sa kanila ng donasyon.

Facebook Comments