Bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa ngayong araw, umabot na sa halos 110,000

Umaabot na sa 108,391 ang bilang ng mga pasaherong dumating sa mga pantalan sa bansa ngayong araw.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), hanggang ngayong hapon, nasa 55, 945 na outbound passengers na ang naitala at 52,446 naman ang inbound passengers.

Higit na mas mataas ito ng halos 6,000 kumpara sa 102,445 na pasaherong dumating kahapon ng hapon.


Para manatiling ligtas ang biyahe, nagtalaga ang coast guard ng 2,088 frontline personnel sa 15 PCG Districts.

Ininspeksyon din ang 481 na barko at 445 motorbancas bago bumiyahe ang mga ito.

Nananatili ring mahigpit ang pag-iinspeksyon ng K9 Teams sa mga bagahe at kargamento ng mga biyahero.

Facebook Comments