Pagpapaliwanagin ng Department of Energy (DOE) ang ilang kumpaniya ng langis sa gitnang Luzon matapos magtaas ng presyo ang mga ito.
Ito ay sa kabila ng paalala ng DOE na hindi pa dapat magtaas ng presyo ang mga gasolinahan dahil sa dagdag-buwis hangga’t hindi pa nauubos ang kanilang lumang stock.
Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, padadalhan nila ng show-cause order ang mga gasolinahan at bibigyan ng limang araw para patunayang naubos na ang kanilang stock.
Nabatid na una nang ini-report ng Petron sa DOE na anim na retailers nila sa Bulacan, Pampanga, Tarlac at Zambales ang nagpatupad na ng taas-presyo dahil sa mas mataas na buwis sa langis matapos maubusan ng lumang stock ang mga ito.
Giit ni Fuentebbela, sakaling malamang nandaya ang mga gasolinahan, maaaring kasuhan ang mga ito.
Alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, nasa P2 kada litro ang dagdag sa excise tax ngayong Enero 2019 sa diesel at gasolina.