PRRD, nagbantang sasampalin si Daraga Mayor Baldo

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na sasampalin niya ito sa oras na makapunta siya sa kanilang lugar.

Ayon sa Pangulong Duterte, hindi dapat gamiting ng sinumang naka-upo sa pwesto ang kanilang kapangyarihan para pumatay ng makakalaban nito sa pulitiko.

Sinabi pa ni Duterte na dapat ay lumaban ng patas si Baldo at huwag daw itong gumamit ng karahasan kung saan maari naman daw siyang lumapit sa Pangulo at mismong siya pa ang mag-eendorso sa kaniya.


Sa huli iginiit pa ng Pangulo na hindi na kailangan pang mandaya at pumatay nang dahil lamang sa pulitika.

Facebook Comments