DOE, sinugurong sapat ang suplay ng kuryente sa loob ng isang linggo

Iginiit ngayon ng Department of Energy  na sapat ang suplay ng kuryente sa buong linggo kasunod ng nalalapit na botohan sa darating na lunes, May 13, 2019.

 

Ayon kay Energy Undersecretary Felix Fuentebella, wala na daw magiging probelma sa suplay ng kuryente mula May 11 hanggang May 16, 2019 at inaaasahan din na walang power plant ang magkakaroon ng problema sa mga nabanggit na araw.

 

Bagama’t sapat ang suplay ng kuryente, pinangangamabakan naman sa darating na araw ng May 14, na tumaas ang demand nito kaya’t asahan na dawn a magkaroon ng posibilidad na magdeklar ng mula normal hanggang yellow alert status.


 

Kaugnay nito, bumuo din ng command center ang DOE kung saan 24/7 silang nakamonitor sa sitwasyon ng suplay ng kuryente sa buong bansa at magsisimula ang kanilang operasyon bukas.

 

Kasama naman ng doe sa binuong energy task force election ay ang  National Electrification Administration (NEA), National Power Corporation (NPC), National Transmission Corporation (TRANSCO), Philippine National Oil Company (PNOC), Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM), Philippine Electricity Market Corporation (PEMC), National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at Meralco.

Facebook Comments