DOF at DOE, kinalampag ni Gatchalian dahil sa delay na paglalabas ng IRR ng murang kuryente act

90

Dismayado si Senador Sherwin Gatchalian sa mabagal na paglalabas ng Department of Finance (DOF) at Department of Energy (DOE) ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng murang kuryente act.

 

Sa isang panayam, sinabi ng mambabatas na November 27, 2019 pa dapat mayroon nang IRR.


 

Layon ng batas na pababain ang singil sa kuryente kung saan ang bahagi ng national government’s share sa malampaya natural gas project ay gagamiting pambayad sa universal charges na kasama sa sinasalo ng mga konsyumer sa kanilang electricity bill.

 

Nabatid na kada tahanan ay nagbabayad ng P0.9 per kilowatt hour para sa Universal Charge for Stranded Debts (UCSD) at Universal Charge for Stranded Contract Costs (UCSCC).

 

Ayon kay Gatchalian, sinulatan na niya ang DOF at DOE hinggil sa IRR pero wala pang tugon ang dalawang ahensya.

Facebook Comments