Most Wanted Person sa Pangasinan, Nadakip sa Isabela!

123

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang kabilang sa Top 10 Most Wanted person sa probinsya ng Pangasinan matapos itong maaresto sa Brgy. Dimapula, Divilacan, Isabela.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 68 Pangasinan ay nadakip ganap na alas 6:00 kagabi ang akusado na si Fred Bumacod, 48 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Dimapula, Divilacan, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), si Bumacod ay itinuturing na Top 10 Most Wanted Person sa bayan ng Sual, Pangasinan dahil sa kasong rape o panggagahasa.

Nasa halagang P120,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Pansamanatalang nasa kustodiya ng Divilacan Police Station ang akusado at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments