DOF: Pagpapalakas sa Electric Vehicle Incentive program, makakatulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa

Malaking tulong para sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagpapalawig ng Electric Vehicle Incentive program.

Ayon sa Department of Finance (DOF), sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 12 o pag-alis ng taripa sa mga electric vehicle at parts ng sasakyan ay makakaakit ito ng mga pamumunuhan at makakalikha ng trabaho.

Sabi ni Finance Secretary Ralph Recto, magbibigay rin ito ng oportunidad sa mga Pinoy na magkaroon ng ibang opsyon sa pagpili ng mga sasakyan na kalaunan ay makakatulong para maabot ng Pilipinas ang target na mapababa ang greenhouse gas emissions ng 75 percent pagsapit ng 2030.


Sa ngayon, patuloy na humahanap ng paraan ang gobyerno para makaakit ng investments sa electric vehicle industry sector.

Facebook Comments