Umano’y namataang pipe installation sa Bajo de Masinloc, kinukumpirma pa ng Philippine Navy

Kasalukuyan pang kinukumpirma ng Philippine Navy ang mga naiulat kaugnay sa umano’y mga namataang pipe line installation Sa Bajo de Masinloc shoal.

Ito’y mula sa pahayag ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commo. Roy Vincent Trinidad kasunod ng natanggap na ulat hinggil sa umano’y nakita ng mga mangingisda na pipe line installation sa loob ng low-tide elevation ng naturang lugar.

Ipinaliwanag naman ni Commo. Trinidad, na maraming paraan ang maaaring isagawa upang kumpirmahin ito, kabilang na ang paged-deploy ng mga barko, sasakyang panghimpapawid, satellite tracking, at ang pakikipagtulungan sa mga kaalyadong bansa ng Pilipinas.


Kaakibat nito, isinaad ng opisyal na hindi pa nila matukoy sa ngayon ang mga posibleng maging paglabag hinggil sa paglalagay ng pipeline sa lugar sapagkat patuloy pa rin ang kanilang ginagawang actual confirmation.

Facebook Comments