Kennon Road at 2 pang kalsada sa CAR at MIMAROPA, sarado dahil sa landslide

78

Puspusan ang pagtatrabaho ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 3 national road sections sa Luzon na pansamantalang sarado dahil sa landslide bunga ng Southwest Monsoon na pinalakas ng Bagyong Fabian.

Kabilang dito ang Kennon Road sa Camp 5, Tuba, Benguet, Abra – Kalinga Road gayundin ang Calapan North Road (CNR) sa Barangay Aninuan, Puerto Galera at Oriental Mindoro.


Ang naturang mga kalsada ay hindi madaanan ngayon dahil sa nangyaring pagguho ng mga lupa at bato.

Bunga nito, nagpapatuloy ang clearing operations ng DPWH Quick Response Team sa naturang mga lugar.

Facebook Comments