DOH: Apat na lalawigan sa Caraga Filaria free na

Tuluyan nang naging malaya sa Filariases ang apat sa limang lalawigan sa Caraga Region, ito ay ang mga probinsya ng Agusan del Sur, Surigao del Sur, Agusan del Norte at Dinagat Islands.
Ayon kay Faith Opada ng DOH Caraga, sa ngayon tanging ang lalawigan ng Surigao del Norte na lamang sa rehiyon ang patuloy na tinututukan ng kanilang ahensya dahil sa natalang kaso sa Filariasis noong nakaraang taon na aabot sa mahigit sa isang daan.
Sinasabing ang filariasis, ay isang pangmatagalang sakit na naisasalin sa pamamagitan ng kagat ng lamok at isa sa pinakamalalang sintomas nito ang labis na pamamaga ng panlabas na henitalia, binti o braso.

tags;RMN Network, DXBC 693, Straight to the point, Sasie Babar, DOH, Caraga


Facebook Comments