DOH at iba pang mga health offices sa lalawigan, tulong tulong sa pagmonitor ng HIV AIDS sa lugar

Palawan , Philippines – Tulong tulong ang Department of Health MIMAROPA, provincial, city at municipal health offices sa pagmomonitor ng kaso ng HIV AIDS sa lungsod at buong lalawigan ng Palawan.

Sa naging pahayag ni DOH Regional Director Eduardo Janairo, mas pinapalakas pa nila ang ginagawang information drive at iba pang HIV awareness activity sa mga komunidad.

Dahil naniniwala ang director na dapat ay concern ang lahat sa HIV at ma-educated ang mga ito tungkol sa virus.


Sa pamamagitan nito ay malalaman ng marami kung paano maiiwasan ang pagkalat at pagkahawa-hawa nito.

Samantala, sa pinakahuling datos ng ospital ng Palawan- red top center mula may2015 hanggang ngayon ay nakapagtala na ng nasa 100 na kaso ng HIV AIDS ang Palawan.

Kaugnay niyan 3 ang kompirmadong namatay ngayong unang kwater ng taong 2017 dahil sa nasabing sakit.
DZXL558, Archie Barone

Facebook Comments