Hepe ng mga imbestigador sa Kampo Crame, dumating na sa Legazpi City para sa 3-day investigation seminar at workshop

Legazpi , Philippines – Tatlong araw na bubunuin at isasailalim sa seminar workshop ang lahat ng mga investigator mula sa mga himpilan ng pulisya sa isang daang pitong bayan at pitong lungsod sa lalawigan ng Bicol region.

Sa pagdating ng kinatawan na pinangunahan ni Police Director Gen. Augusto Marquez bilang hepe ng investigator sa Camp Crame sa buong bansa.

Ito ay para sanayin ang mga imbestigador sa Legazpi City para palawakin at paigtingin ang pagreresolba ng mga kaso sa iba’t ibang krimen na biglang sumusulpot at nagaganap sa lalawigan.


Ang Camp General Simeon A-Ola ay handang-handa na sa naturang seminar workshop.
DZXL558,Leo Barcellano

Facebook Comments