DOH, ayaw magpakampante sa kabila ng pagiging COVID-19 low risk ng bansa

Nagbabala ngayon ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag magpakampante sa kabila ng pagiging low risk ng bansa sa COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, binigyang-diin ni DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire na may mga dahilan na maaaring magdulot pa rin upang tumaas ang kaso ng COVID-19.

Partikular na tinukoy ni Vergeire ang National Capital Region (NCR) na bagama’t nasa low risk na ay may banta pa rin ng COVID-19 variants.


Bukod dito, nasa high risk pa rin aniya ang ilang lugar sa bansa tulad ng mga rehiyon ng Caraga, 6, 11 at 12.

Facebook Comments