DOH, bineberipika na kung may koneksyon ang blood type ng tao sa paglala ng COVID-19 pandemic

Bineberipika na ng Department of Health (DOH) ang koneksyon ng blood type ng tao sa paglala ng COVID-19 infection.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mula nang lumabas ang pag-aaral ng European scientists, agad silang kumalap ng mga impormasyon hinggil dito.

Aniya, kailangan pa ng mga ebidensya bago masabi kung ito ay totoo o hindi.


Batay sa pag-aaral, ang mga indibidwal na may blood type A ay mas mataas ang tyansang maging malubha o ‘severe’ sa COVID-19 kumpara sa mga may blood type O.

Paliwanag ni Vergeire, oras na mapatunayan ang nasabing pag-aaral, idadagdag nila ang konsiderasyon sa blood types sa ginagawang expanded COVID-19 testing ng gobyerno sa 1.5 percent ng 110 milyong Pilipino.

Facebook Comments