DOH, bukas na baguhin ang COVID response

Bukas ang Department of Health (DOH) na baguhin ang COVID-19 response sa bansa basta suportado ito ng siyensiya.

Kasunod ito ng pagkwestyon ni Senate President Vicente Sotto III sa polisiya ng gobyerno sa pagsusuot ng face shields.

Ayon kay DOH Health Promotion and Disease Prevention and Control Bureaus Director Dr. Beverly Ho, inirerespeto ng health authorities ang opinyon ng publiko at mga mambabatas sa kanilang COVID-19 response.


Pero malinaw aniya na sa simula pa lamang ay suportado na ng siyensiya ang kanilang mga hakbang laban sa COVID-19.

Una nang pinanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng mandatory na pagsusuot ng face shields sa loob at labas ng mga establisyimento para mapigilan ang anumang maaaring maidulot ng Delta variant ng COVID-19.

Facebook Comments