DOH, handang magsagawa ng 24/7 vaccination

Handa ang pamahalaan na magsagawa ng 24/7 inoculation activities kapag umarangkada na ang mass vaccination program.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magkakaroon pa ng 8-hour shifts at patatakbuhin ito pitong araw sa isang linggo.

Muling nilinaw ni Vergeire na ang target ng immunization program ay 70% ng populasyon ngayong taon na ‘best case scenario.’


Kung sakaling maging ‘worst case scenario’ ay posibleng makamit pa ito ng kalagitnaan ng 2022.

Ipinabatid din ni Vergeire na mayroong global shortage sa vaccine supply.

Ang Department of Health (DOH) ay may inihandang ‘vaccine deployment plan’ kung saan sakop ang 70-percent ng target population para maabot ang herd immunity.

Facebook Comments