Vlogger na si Lloyd Cadena, pumanaw na sa edad na 26

Pumanaw na ang sikat na vlogger at influencer na si Lloyd Cafe Cadena.

Ito ay base sa post sa official Facebook account ni Lloyd na ginawa ng kaniyang kapatid, kasabay ng paghingi nila ng dasal, respeto at privacy.

Hindi naman matukoy kung cardiac arrest ang ikinamatay ni Lloyd na umano’y kaninang madaling-araw pa namaalam.


Bumuhos naman ang pakikiramay ng publiko sa pamilya ng nasawing vlogger na kilala sa pagiging matulungin nito hindi lamang sa kaniyang pamilya at kaibigan kundi pati na rin sa ibang tao.

Facebook Comments