DOH, iaapela ang pagpapatigil sa pagsusuot ng face shield

76

Iaapela ng Department of Health (DOH) ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa ospital na lamang gamitin ang face shields.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi pa ito ang tamang panahon para tanggalin ang face shield dahil mababa pa ang mga nababakunahan sa bansa.


Aniya, ang anumang proteksyon laban sa virus say epektibo kaysa sa wala.

Una nang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat sa ospital lamang isuot ang face shield.

Pero sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kailangan pa rin ang pagsusuot ng face shield.

Facebook Comments