Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na dapat nilang sundin ang health protocols kahit sila ay naturukan na ng COVID-19 vaccine.
Ito ang pahayag ng DOH kasabay ng pagdating ng COVID-19 vaccines sa susunod na buwan.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi ‘magic pills’ ang bakuna laban sa sakit.
Dagdag pa ni Vergeire, kapag nabakunahan ay hindi nangangahulugang hindi na susunod sa health protocols.
Ang epekto ng COVID-19 vaccines ay kailangan pa rin ng masusing pag-aaral dahil wala pang sapat na ebidensyang makakatiyak na hindi na tatamaan ng COVID-19 ang mga nabakunahan na.
Facebook Comments