DOH, iginiit na hindi pa rin ligtas sa COVID-19 ang mga pasyenteng nakarekober sa sakit

Wala pang matibay na ebidenysa na nagpapatunay na protektado o immune na sa COVID-19 ang mga pasyenteng nakarekober dito.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi porke mayroong anti-bodies at nakarekober na sa COVID-19 ay hindi ka na maaaring mahawaan ulit ng virus.

Aniya, ang pagkakaroon ng anti-bodies ay senyales lamang na nagkaroon ng laban ang immune system o immune response ng katawan laban sa virus.


Maliban dito, posible din aniyang magpositibo muli ang swab test ng mga pasyenteng gumaling na sa sakit.

Paalala naman ni Vergeire, importante pa ring mag-ingat para hindi na mahawaan at hindi na makapanghawa pa ng virus.

Facebook Comments