Hindi na hihintayin ng Department of Health (DOH) ang 60-days na deadline at agad nang isusumite ang mga dokumentong kinakailangan ng Commission on Audit (COA).
Ito ang kinumpirma sa interview ng RMN Manila ni Health Sec. Francisco Duque III kaugnay sa 2020 COA report kung saan nakitaan ang DOH ng kakulangan sa ilang dokumento sa paggastos sa P67.32 billion na COVID-19 response funds.
Giit ni Duque, walang iregularidad sa paggastos dahil lahat ng mga ito ay dokumentado.
Sinabi ng kalihim na agad na niyang inatasan ang kanyang mga undersecretary at assistant secretary para ayusin ang mga kinakailangan dokumento ng COA at agad na isumite sa susunod na linggo.
Facebook Comments