DOH, itinangging nakapasok na ang UK variant ng COVID-19 sa bansa

Itinanggi ng Department of Health (DOH) ang kumakalat sa social media na mayroon nang bagong COVID-19 variant sa Metro Manila.

Paglilinaw ng DOH at ng Philippine Genome Center (PGC), wala pang na-detect na United Kingdom variant o anumang bagong variant ng COVID sa mga positive samples na kanilang sinuri.

Tiniyak naman ng DOH at ng PGC na nagtutulungan sila para mas higpitan pa ang kanilang on-going biosurveillance efforts.


Nananawagan naman ang kagawaran sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon dahil wala itong ibang maidudulot kundi kalituhan lamang.

Muli ring nanawagan ang DOH sa publiko na sundin pa rin ang umiiral na minimum public health standards na maituturing bilang “best defense” kontra COVID-19.

Facebook Comments