Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na sa pangkalahatan ay moderate risk na ang buong bansa.
Ayon kay health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang Region 9 na lamang ang nananatiling high risk ang klasipikasyon dahil sa mataas na bed ulitizatiom rate.
Ang Cordillera Administrative Region (CAR) at Region 2 naman ay aniya nasa high risk ang bed, ICU at mechanical ventilator utilization.
Nananatili rin sa high risk ang ICU utilization rate ng 5 pang rehiyon kasama ang Region 3, CARAGA, 5, 11 at BARMM.
Maging ang Metro Manila ay nananatiling mabagal ang pagbaba ng mga kaso.
Facebook Comments