DOH, kinumpirma na paunti na nang paunti ang kaso ng COVID-29 sa bansa

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na bumagal na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mataas na naitalang kaso ng COVID-19 sa mga nakalipas na araw ay mga pending na kaso.

Ipinaliwanag naman ng public health epidemiologist na si Dr. Troy Gepte na ang dahilan kung bakit hinahati sa ‘fresh’ at ‘late’ ang confirmed cases ay dahil kailangan nilang maging maingat sa paglalabas ng data.


Aniya, hindi rin magiging madali ang pagkalap ng mga impormasyon lalo na’t maraming laboratoryo ang pinanggagalingan  nito.

Sa kabila nito, nagbabala si Dr. Gepte sa publiko na lalo pang maging maingat ngayon nasa General Community Quarantine na ang maraming lugar.

Panatilihin aniya ang pagsunod sa health protocols na ipinapayo ng mga eksperto.

Masusi rin aniya pinaghahandaan ng DOH sakaling biglang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong maraming tao na ngayon ang nasa labas.

Facebook Comments