DOH, kinumpirmang naagapan ang transmission ng UK variant sa bansa

Dalawang porsyento lamang sa 1,945 samples na isinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center ang nagpositibo sa UK variant ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, epidemiologist ng Department of Health (DOH), mayorya ng mga sample na ito ay mula sa Cordillera Administrative Region, Region 2 at National Capital Region (NCR) habang ang 56 samples ay mula naman sa hanay ng returning Overseas Filipino Workers (OFWs).

Bagama’t may mga sample rin mula sa Visayas at Mindanao na naisasailalim sa genome sequencing, limitado pa lang aniya ito dahil nga sa problema sa tranportasyon.


Sa mga natukoy na UK variant case, 28 ang local cases kung saan ang 14 ay konektado sa Bontoc cluster habang ang 2 ay sa La Trinidad cluster habang ang iba ay patuloy pang iniimbestigahan.

Nanindigan naman ang DOH na batay sa kanilang imbestigasyon, lumabas na minimal lamang ang naging transmission ng UK variant sa bansa.

Katunayan, sa Bontoc at La Trinidad lamang aniya nagkaroon ng transmission at naging malaking tulong ang maagap na isolation at quarantine sa kanila.

Facebook Comments