Kilalanin ang mga bigating artista na pararangalan sa 5th Film Ambassadors’ Night

87

Ilang bigating local celebrities ang pararangalan sa 5th Film Ambassadors’ Night (FAN 2021) na gaganapin sa Pebrero 28, Linggo, alas-8:00 ng gabi.

Ang online event ng FAN 2021 ay may kaugnayan sa pagdiriwang ng National Arts Month kung saan mapapanood ang streaming nito sa channel ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).


Mahigit 60 honorees at awardees ang bibigyan ng award na kinabibilangan nina Dingdong Dantes, Angel Locsin, Alden Richards, Arjo Atayde at Gloria Romero.

Napasama rin sina Cristine Reyes, Ruby Ruiz, Elijah Canlas, Louise Abuel, Lovi Poe, Allen Dizon, Isabel Sandoval, Cherie Gil, Alfred Vargas, Angel Aquino at Ronwaldo Martin.

Ang taunang event ay isang pagkilala sa galing at creativity ng Filipino film industry, mga artista, filmmakers, at mga nakakuha ng parangal sa international film festivals at award-giving bodies sa mga nakalipas na taon.

Facebook Comments