DOH, kumpiyansang makokontrol pa ang pagdami ng mga nagpopositibo sa Coronavirus Disease

Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na kaya pang kontrolin ang pagdami ng bilang ng mga nagpopositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi pa naman umaabot ang bansa sa sitwasyon na dinaranas ngayon ng ibang bansa gaya ng Italy, Iran at Amerika.

Aniya, ito rin ang dahilan kung kaya’t dapat na mas mapalawig pa ang pagsusuri para sa COVID-19.


Giit pa ni Duque, posibleng kalahati pa lamang ng kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 ang naitatala dahil sa limitadong testing capacity ng mga laboratoryo.

Samantala, kinumpirma ni Philippine Heart Center (PHC) Executive Director Dr. Joel Abanilla na anim na doctor nila ang nagpositibo sa COVID-19.

Kasama na sa mga nasawi sina Cardiologists Dr. Israel Bactol at Dr. Raul Diaz Jara.

Habang bumubuti naman na aniya ang lagay ng apat na iba pang doctor.

Matatandaang una nang umapela ang DOH sa publiko na maging tapat sa mga ibinibigay na detalye para hindi malalagay sa peligro ang mga Health Workers.

Facebook Comments