DOH, makikipagpulong sa COMELEC upang talakayin ang health protocols sa 2022 na eleksyon

Balak ng Department of Health (DOH) na makipagpulong sa Commission on Elections (COMELEC) upang talakayin ang mga ipapatupad na health at safety protocols sa darating na 2022 national elections.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, may abiso na si Pangulong Rodrigo Duterte upang matiyak na magiging ligtas ang susunod na halalan sa kabila ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.

Dagdag ni Duque, ginagawa lahat ng ahensya ang makakaya upang mabawasan ang magiging epekto ng COVID-19 sa susunod na eleksyon.


Samantala, kabilang naman sa suhestiyon na magkaroon ng polling stations sa hospital wards at pagpayag sa mga indibidwal na naka-quarantine na bumoto.

Batay sa huling datos ng COMELEC, aabot sa 60 million ang rehistradong botante sa Pilipinas habang nasa 4 million naman ang bagong rehistrong botante.

Facebook Comments