Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na sundin ang quarantine protocols sa bansa.
Ito ay matapos ang ulat na isang Returning Overseas Filipino (ROF) mula Amerika ang nagbayad sa isang quarantine facility para palabasin na sumailalim siya sa isolation.
Giit ng DOH, hindi ito ang panahon para magpakakampante at sadyang ilagay ang iba sa panganib.
Nagpakahirap anila ang buong bansa para mapanatiling mababa ang kaso ng COVID-19.
Tiniyak naman ng DOH na pananagutin ang lahat ng lalabag sa Republic Act 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act of 2018.
Hinikayat din ng kagawaran ang publiko na isumbong ang sinumang indibidwal, establisyimento, o Local Government Unit (LGU) na lalabag sa quarantine protocol.