Dahilan ng pagsadsad ng isang barge sa Pangasinan, idinetalye ng Philippine Coast Guard

101

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na masamang panahon ang dahilan ng pagsadsad ng POE 86 Kuching barge sa Silaqui Island, Bolinao, Pangasinan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Bolinao, malakas ang hangin at malalaki ang alon na nakasagupa ng nasabing barge.

Bunga nito, nagdesisyon aniya ang mga crew nito na abandonahin ang barge at humimpil sa ligtas na lugar.


Agad namang nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Bolinao ang may-ari ng barge para pag-usapan ang pinsalang idinulot nito sa karagatan.

Facebook Comments